Tiniyak ng DOE na umiiral na ngayon ang price freeze sa presyo ng kada litro ng binebentang kerosene o LPG sa lugar na apektado ng low pressure area.

Partikular na tinukoy ng DOE ang mga lugar sa Visayas at Mindanao kung saan nagdeklara na ng state of calamity bunsod ng malakas at walang humpay na buhos ng malakas na ulan na epekto ng LPA.

Sinabi ng DOE na ang pag freeze sa presyo sa 11kg ng LPG pababa at mga produktong kerosene ay mananatiling may bisa sa loob ng sakop ng pagdedeklara ng state of calamity.

Kabilang sa mga epektibo ang price freeze ay sa mga lugar ng Lanao del Norte, Leyte, Eastern Samar, at Northern Samar.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!