Nagbabala ang isang grupo ng mga magsasaka na posibleng tumaas ang presyo ng bigas sa susunod na linggo.

Paliwanag ni Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) President So sa panayam sa telebisyon, ito ay dahil sa pagtaas ng farm gate price nito.

“₱2, pero sa ngayon₱1 ang increase. Another₱1 sa tingin natin sa susunod na linggo. Factor is ‘yung farm gate price from₱21, tumaas ng₱21.50, tumaas pa sa₱22,” ani So.

“Imported rice from₱1,800 per bag, naging₱2,000 per bag," dugtong nito.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Nangako naman ang Department of Agriculture (DA) na babantayan nila ang presyo ng bigas.

“‘Pag dry season crop kasi eh talagang mahal po 'yan. Nag-aagawan po 'yung mga traders natin. Ito naman ay na-monitor natin at kausap lang natin 'yung ibang mga organization na involved dito at may sinasabi po tayo na kung tataas ang presyo, nag- monitor tayo sa ating mga pamilihan.₱38 pa rin po ang pinakamababang presyo, na 'yan po ay normal na presyo po naman,” sabi naman ni DA Spokesperson Rex Estoperez nitong Lunes.