Nanawagan ang mga magsasaka na bigyan sila ng ayuda upang masolusyunan ang kakulangan ng suplay ng sibuyas sa bansa.

Sinabi ni Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, sa isang television interview nitong Lunes, mas epektibo pa rin ang pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka ng sibuyas upang matamo ang pangmatagalang solusyon sa usapin.

"Panawagan namin sa Department of Agriculture (DA), lalo na sa Presidente, resolbahin niya ang matinding krisis natin sa pagkain. Dapat mag-isip siya ng long-term solution, 'wag iasa sa importasyon," pahayag ni Estavillo.

Kabilang ang grupo ni Estavillo sa naglunsad ng protesta sa harap ng gusali ng DA sa Elliptical Road, Quezon City kung saan umapela sila sa pamahalaan na gumawa ng hakbang upang matigil na ang tumataas na presyo ng bilihin.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Matatandaang isinapubliko ng gobyerno na aangkat sila ng sibuyas upang tumatag ang suplay at presyo ng produkto sa bansa.

Nasa ₱500 hanggang ₱600 ang kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila.