Naging emosyonal para team captain ng Blacklist International na si Johnmar Villaluna o mas kilala bilang si "Ohmyv33nus" ang kanilang pagkabigong maiuwi ang sana'y back-to-back championship sa Mobile Legends World Championship.

Ito ay matapos makuha ng Echo ang pinakaaasam na kampeonato ng Mobile Legends matapos mapatalsik ang Blacklist International sa pamamagitan ng 4-0 sweep sa all-Filipino finale ng M4 World Championship na ginanap sa Tennis Indoor Stadium Senayan, Jakarta, Indonesia, nitong Linggo, Enero 15.

BASAHIN:Wagi pa rin ang Pinas! M4: ECHO inangkin ang titulo mula sa Blacklist

"Ngayon palang nagsi-sink in yung mga nangyare at itong pakiramdam na 'to, sobrang pamilyar sakin. Yung feeling na gusto mong umiyak pero wala nang luha na lumalabas. Siguro nga dahil maraming beses na din kaming napunta sa ganitong point, at sa sobrang daming beses, parang manhid na ako," ani Ohmyv33nus.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagpasalamat naman si Ohmyv33nus sa mga naniwala sa kanilang kakayahan, lalo na sa mga lumipad pa papuntang Indonesia upang personal na magpahayag ng suporta sa koponan ng Blacklist.

Aniya, "Pero despite of all these things, I still feel blessed dahil sa sobrang daming taong sumuporta sa amin, hindi lang sa Pilipinas, pati na din sa buong mundo, lalo yung mga nagpunta dito sa Indonesia at talagang nakipag-beklaban ng malala sa fans ng ibang team. Super thankful ako sa lahat ng mga taong hindi tumigil at patuloy pa rin na nagtitiwala sa mga kakayahan namin."

Positibo naman si Ohmyv33nus na hindi ito ang kanilang huling laban sa World Championship ng Mobile Legends.

"Grace under defeat. With this, I will make sure that we will come back stronger than ever. And again, THIS IS STILL NOT THE LAST OF US," mensahe ng team captain ng 2nd placer na si Ohmyv33nus.

Samantala, naibulsa naman ng Echo ang $300,000 cash prize sa nasabing laban.