Matapos hindi makapasok si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi sa top 16 finalists, ilang Pinoy pageant fans ang naniniwala na hindi epektibo ang "know when to peak" strategy ng MUPH organization.

Usap-usapan sa social media ang mga nagsilitawang litrato ng evening gown at national costume na umano'y pagpipilian ni Celeste sa preliminary competition, na ayon sa pageant fans mas maganda pa raw ito kaysa sinuot at inirampa ni Celeste sa mismong prelim.

Opinyon naman ng iba, okay naman daw ang performance at suot ni Celeste sa preliminary competition, sadyang malakas lang daw talaga ang pambato ng iba't ibang bansa ngayong taon.

Narito ang opinyon ng pageant fans:

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

" Lesson learned. Basta preliminary competition, all out na, pipiliin ang best gown and dapat best performance kaagad!"

"Ang gagandang gown meron pero mga pinanglaban waley."

"I think hindi po nagbase ang MU organization sa swimsuit and evening gown performance, nag base po sila sa preliminary interview and sa advocacy ng mga candidates."

"Prelims dapat wow factor na di yung "know when to peak."

"For me Celeste did her best and thankful nalang tayo na may Celeste na nagrerepresent sa atong bansa."

" I agree hirap kasi sa mga kalahi natin kung makapag bitaw ng salita wagas di naman lahat, pero karamihan talaga ang ganun. Right now ang kailangan ni Celeste ay suporta hindi panghuhusga or pang down sa kanya kesyo bakit nag darna siya sa suot niya or pangit ng gown niya. Di naman lahat ng pageant in ang contestant natin. Better luck next year nalang uli."

"True naman kasi nilamon sya ng ibang kandidata sa mga outfit, dapat kahit sa preliminary pasabog na agad doon kasi pumipili ng top 16, hindi sa coronation night."

Nagbigay naman ng opinyon at payo ang social media personality na si Steven Bansil sa mga taong sinisisi si Celeste sa pagkatalo.

BASAHIN: Social media personality Steven Bansil, may mensahe sa bashers ni Celeste Cortesi

Napansin din ng ilang pageant enthusiasts at ni Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa na nakapokus umano ang mga hurado sa adbokasya ng bawat kandidata.

Aniya,"I think this year's edition is heavy on advocacy. Miss Universe is exciting for this very reason, they don't stick with the same pattern every year."

Kahit dismayado, hindi naman nawawalan ng pag-asa si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga susunod na inspiring beauty queen na magpapasiklab sa Miss Universe stage sa susunod na kompetisyon.

BASAHIN: Catriona Gray sa mga nalotlot sa Miss Universe: ‘We always have next year’

Wala pang pahayag, reaksiyon, at komento ang MUPH organization tungkol sa opinyon ng Pinoy pageant fans.