Matapos talunin ang nasa walumpu’t tatlong naggagandahang kababaihan sa buong mundo, sentro ng atensyon ngayon si R’Bonney Gabriel bilang pinakabagong Miss Universe titleholder.
Kauna-unahang Filipina-American na nagwagi sa prestihiyusong pageant, layon ngayon ni R’Bonney na maging transformational leader sa bagong era ng Miss Universe Organization.
Hangad din ng Texan native ang maging boses para sa Asian-Americans gamit ang tinatamasang plataporma.
Matapos koronahan, kapansin-pansin naman ang paglobo agad ng followers ni R’Bonney sa Instagram.
Mula 120,000 hanggang 130,000 habang nagpapatuloy ang Miss Universe finale nitong Linggo, umabot na sa mahigit 478,000 ang followers ni R’Bonney ngayong Lunes, patunay lang sa malawak na impluwensya ng Miss Universe online.
Kaniya-kaniya namang pagbati mula sa dating Miss Universe titleholders ang natanggap ni R’Bonney.
“Congratulations @rbonneynola ❤️👏🏼 So excited for you!! 🥳” sey ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow.
“Congratulations Queen! Welcome to the most wonderful family ❤️🤗” ani Miss Universe 2020 Zozibini Tunzi.
“Welcome in the sisterhood 😄😄🫶🏼🫶🏼,” dagdag ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.
Sa huli, ngayong Lunes, muling pinasalamatan ni R’Bonney ang bawat isang naging bahagi sa kaniyang journey to the crown.
“My heart is over the moon. These past 15 days have changed my life. I carry this new title with the strength of all the incredible women I have come across this month. It is an honor to be here, and it is my mission to make the universe proud.🙏🏼”
“Thank you to everyone who has believed in me,” aniya.