LUCENA CITY -- Arestado ang tatlong hinihinalang drug traders, kabilang ang isang babaeng high-value individual (HVI), na nakumpiskahan ng P1.3-M halaga ng shabu sa joint operation ng local, provincial, and regional operatives noong Linggo ng gabi.

Isinagawa ang operasyon sa Purok Talabis, Barangay Ibabang Iyam, sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Maricris Deocales, isang nakalistang HVI, Niel Jansen Igloria, at Rodrigo Brondo.

Nakuha mula sa kanila ang 65.6 gramo ng shabu na may tinatayang street value na P1,338.240.00, ayon sa ulat.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nag-ugat ang operasyon base sa validated reports na tinitiyak ng mga residente tungkol sa drug trading ng mga suspek sa kanilang barangay.

Ayon sa ulat, ang mga operatiba na nagsagawa ng anti-drug operation ay Lucena City Police, Quezon Police Office, Region 4A Intelligence Unit, Quezon-PDEA, Quezon Maritime Police, at Provincial Field Office ng Criminal Investigation and Detection Group.