LUBUAGAN, Kalinga – Mahaharap ngayon sa kasong Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang 17-anyos na estudyante matapos silang arestuhin sa pagdadala ng mga dahon ng marijuana sa Lubuagan, Kalinga, nitong Linggo.

Sinabi ni Brig. Gen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, kapwa ang mga naarestong suspek ay 17-anyos na estudyante, residente ng Tabuk City, Kalinga, at mga bagong nakilalang drug personalities.

Sa kaparehong ulat, ang dalawang menor de edad ay una nang inaresto ng mga operatiba ng Kalinga Provincial Police Office dahil sa pagsuway sa mga pulis at pag-iwas sa itinatag na checkpoint sa Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga.

Sa takbo ng kanilang pag-aresto, nakumpiska mula sa mga suspek ang isang semi-tubular form ng pinatuyong dahon ng marijuana at tangkay na may timbang na mahigit o mas mababa sa 570 gramo na may Standard Drug Price na P68,400.00.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya ay isinagawa onsite sa presensiya ng mga naarestong suspek at sinaksihan ni Konsehal Simi Colayot, Lubuagan at kinatawan ng midya.

Dinala sa kustodiya ng Kalinga PPO Provincial Drug Enforcement Unit ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensiya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.