May mensahe at pakiusap ang social media personality na si "Steven Bansil" sa mga nambabash ngayon sa pagkatalo ni Miss Universe Philippines Celeste Cortesi, matapos itong hindi makapasok sa Top 16 ng kompetisyon.
Aniya sa kaniyang Facebook post, kung masakit daw ang nangyari sa Pinoy pageant fans, mas masakit daw ito kay Celeste lalo't siya raw ang sumira sa 12 taong sunod-sunod na winning streak ng mga kandidata sa semi-finals at finals, na sinimulan ni Venus Raj noong 2010.
Isa pa, nilalait din umano ang naging performance ni Celeste at inihahambing pa kina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray.
"As I browse through my news feed I feel really bad for Celeste Cortesi. Dami ko nababasa na her performance daw kasi is weak, kesho shes not yet ready at malayo daw kasi yung dating niya kay Pia at Catriona. And the worst part is, siya daw sumira sa 12-year semifinal placement streak ng Philippines sa Miss Universe."
"Imagine how she feels to disappoint the whole nation after months or grueling preparation. Kung kayo disappointed, malamang mas mabigat to para sa kaniya. Wag kayong harsh mga accla! The contenders this year are really strong and it's a competition after all, we lose some, we win some."
"Bawi na lang tayo next year! Congratulations pa rin Ms. Celeste Cortesi, you're beautiful and thank you for representing the Philippines!," ani Bansil.