Sapilitan o obligado nang magpabakuna ang mamamayan laban sa polio, TB (Tuberculosis), tigdas at iba pang sakit.

Ito ay kung aaprubahan na maging batas ang panukala ng isang kongresista na naglalayong maging malusog ang mga Pilipino at makaiwas sa mga naturang sakit.

Naghain si Laguna 2nd District Rep. Ruth Mariano-Hernandez ng House Bill 4483 na naglalayong bakunahan ang mga tao laban sa 13 uri ng sakit.

Bukod sa TB, polio at tigdas, ang iba pang mga sakit ay kinabibilangan ngdiptheria,tetanus at pertussis, beke, rubella o German measles, hepatitis B, influenza type B, rotavirus, Japanese encephalitis, at iba pa.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"Layunin ng panukala na mapalakas ang pagsisikap ng gobyerno na mapigilan ang ganitong mga sakit sa pamamagitan ng mandatory immunization program," ayon sa may-akda.

Ang panukala ay bersiyon ng House Bill 8558 na naipasa sa pangatlo at pinal na pagbasa noong 18th Congress. Gayunman, hindi ganap na naipasa dahil sa kakulangan ng panahon.