Nagdulot ng katatawanan sa social media ang ibinahagi ng chairman at founder ng isang review center at kumandidatong senador na si Carl E. Balita, hinggil sa isang excuse letter ng isang reviewee upang makanood ng coronation night ng Miss Universe 2022 ngayong Enero 15.
Mababasa sa excuse letter na nagmula ito kay "Marvin E. Perez" mula sa La Union.
Para kay Marvin, isang "krimen" ang hindi pagsuporta sa kandidata ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa pamamagitan ng panonood sa coronation night, kaya naman, ipagpapaliban na muna niya ang review sa araw na ito upang mapanood ang live streaming o pag-ere sa free TV.
"Approved!!!"
"I hope she wins!," saad ni Balita.
Samantala, hindi naman pinalad si Cortesi na makapasok sa Top 16, na binubuo nina Miss Puerto Rico, Miss Haiti, Miss Australia, Miss Dominican Republic, Miss Laos, Miss South Africa, Miss Portugal, Miss Canada, Miss Peru, Miss Trinidad & Tobago, Miss Curacao, Miss India, Miss Venezuela, Miss Spain, Miss USA, at Miss Colombia.