Hindi pa rin lusot sa isasagawang imbestigasyon ang mga high-ranking official ng Philippine National Police (PNP) na nagharap ng courtesy resignation at nagretiro ng maaga.

“The process does not end upon the acceptance of courtesy resignation,” paliwanag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Sa ngayon, 97 na sa 954 na heneral at koronel ang naghain na ng kanilang courtesy resignations, pahayag naman ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

“Huwag nilang akalain na kapag nag-retire na sila ay lusot na sila. Hindi po. Tuloy-tuloy ang monitoring, tuloy-tuloy ang case buildup sa kanila,” sabi ni Abalos.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Bubuo ang pamahalaan ng 5-man committee na sasala sa resignation ng mga opisyal ng PNP at magsusumite ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Matatandaang nanawagan si Abalos sa mga heneral at koronel na sangkot umano sa illegal drugs na magsumite ng courtesy resignation upang matanggal na sila sa hanay ng pulisya.

Philippine News Agency