Matapos maputol ang labindalawang taong semifinals streak ng Pilipinas sa Miss Universe sa bigong Top 16 bid ni Celeste Cortesi, may nakikitang potensyal na pangresbak na agad ang Pinoy pageant fans para “ipaghigante” ang bansa.

Ito nga si Miss International 2018 first-runner up Ahtisa Manalo, ang ilan taon nang hinihintay ng masugid na mga Pinoy na muling sumabak sa national pageant.

Viral lalo muli ang pinakahuling post ng beauty queen noong Nobyembre na mas hinikayat pa ng maraming fans matapos ang naging resulta nga ng Miss Universe 2022.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Ma. Ahtisa Manalo beh ano ba dapat namin gawin mga fans mo para sumali ka gusto mo ba kami mag split and tumbling? Huhu pagalawin mo na baso,” desperadong tanong na ng isang fan sa beauty queen.

“AHTISA PLEASE BRING BACK THE PLACEMENT NEXT YEAR. MUP 2023 MARIA AHTISA MANALO!” segunda ng isa pa.

“Ante hindi na ko magpapakabading kapag sumali ka sa Miss U Ph ngayong taon. Pakigalaw ang baso,” nakakaaliw na hirit ng isa pang fan.

“Resbak na mima!”

“Mie, sali ka na ulit!”

“Ito talaga ang pambawee!”

“Ma. Athisa Manalo, ipaghiganti mo kami sa MU2023!”

Basahin: Ahtisa Manalo, ginalaw na ang baso, nagpahiwatig sa kaniyang pageant comeback – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Nobyembre nang tila magpahiwatig si Ahtisa ng kaniyang pageant comeback matapos ang halos apat na taong pamamahinga.

Matatandaang sasabak sana sa Miss Universe Philippines 2020 si Ahtisa ngunit dahil sa medikal na kadahilanan noon, umatras ang beauty queen na ikinagulat ng marami.

“Believe me that I want to give you the fight you want to see, but I honestly don’t think I can manage to physically perform the duties of a candidate as this surely involves physically draining tasks,” aniya noong 2020.

Umaasa ngayon ang fans na all-set na ngayong taon ang pagbabalik sa pageant scene ni Ahtisa.

Basahin: Aspiring beauty queens, hinikayat na humabol sa aplikasyon para sa Miss Universe Philippines 2023 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, hangang Enero 29 na lang tatanggap ng aplikasyon ang Miss Universe Philippines organization para sa susunod sa yapak ni Celeste ngayong 2023.