Nagbigay ng babala sa publiko ang kilalang fortune teller na si "Rudy Baldwin" hinggil sa ilang scammers na ginagamit umano ang kaniyang pangalan at Facebook profile para makapanloko at makakuha ng pera sa kanilang mga balak na biktimahin.

Ayon sa Facebook post ni Rudy, iisa lamang ang kaniyang verified Facebook account at huwag maniniwala sa mga mapagpanggap.

"MAGANDANG UMAGA SA LAHAT. HUWAG MAGPABIKTIMA SA MGA SCAMMER NA GUMAGAMIT NG AKING PANGALAN PARA MAKAPANGLOKO NG TAO," ayon sa FB post ng manghuhula nitong Sabado, Enero 14.

"IISA LAMANG ANG AKING FACEBOOK AT ITO AY MAY BLUE CHECK. IREPORT NATIN ANG MGA SCAMMER NA ITO PARA DI NA MAKAPANGLOKO ULIT. MARAMING SALAMAT PO."

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Kalakip ng kaniyang Facebook post ang ilan sa screenshots ng Facebook pages na umano'y gumagamit sa kaniyang identidad upang kunwari ay magbigay ng numerong tatama sa lotto at iba pa, at pagkatapos ay maniningil.

Naniniwala si Rudy na kakarmahin din ang mga taong nasa likod nito.