Kagaya ng ibang mga netizen, sinabi ng direktor na si Darryl Yap na para sa kaniya, nagdulot ng "malas" ang pagsusuot ng Darna costume ng kandidata ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa preliminary competition para sa Miss Universe 2022.

Ayon sa kaniyang Facebook post, "Ako na ang magsasabi, nakamalas yung Darna."

"Puerto Rico, Curacao at sige na nga Laos tutal 48hrs daw ang byahe," pahayag naman ni Yap sa kaniyang bets.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagbigay rin ng komento si Yap sa mga nagsasabing nangyari ang "pagkasira" ng winning streak ng Pilipinas sa pageant, sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

"At lahat ng ito ay kasalanan ni Bongbong Marcos at Golden Era pa more."

"Ok, kakampinks balik na tayo sa pag-iisip kung anong sunod na Agri product ang pamamahalin."

Kaya suhestyon ni Yap, sana raw sa susunod na pageant, ang gawing national costume ay "Jollibee".

"Alam ko namang walang hihingi ng suggestion ko, pero sana sa susunod na national costume, JOLLIBEE naman."

"BAKIT? mas kilala yan ng mga foreigners!"

May ilang netizens naman ang nagsabing nagdulot daw ng "malas" ang pink swimsuit na isinuot ni Celeste sa swimsuit competition.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamilya ni Mars Ravelo o maging ang pamunuan ng JRB Creative Production/ABS-CBN tungkol dito.