Hindi man pinalad ang kandidata ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi na makaalagwa sa Top 16 ng Miss Universe 2022 coronation night na sinubaybayan ngayong Linggo ng umaga, Enero 15 (PST), natuwa na rin ang Pinoy pageant fans dahil isang half-Pinay ang nag-uwi at nagputong ng korona na si Miss USA R'Bonney Gabriel.

Mababasa sa iba't ibang social media platforms na "safe pa rin daw magpa-parlor o magpa-salon" ngayon dahil at least, half-Pinay naman ang bagong Miss Universe.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:

"The Filipinos have at least a consolation to enjoy. With Miss USA being half-Filipina as stated. Still I'm happy for our Miss Philippines for representing our country. Maraming salamat sa iyo."

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"Well, well, well!!! Panalo pa rin pero half nga lang… congrats kina Ms. USA and Ms. Philippines!"

"At least half-Pinay masaya na rin ang Pinas."

"Congrats!!!! At least may pinanlabang half-Pinay!!!"

"Dahil half-Pinay naman, safe na uli magpa-parlor ngayong araw…"

"Hindi masakit na natalo tayo dahil may dugong Pinoy naman pala si Miss Universe USA."

Samantala, ang first-runner up naman ay si Miss Venezuela Amanda Dumamel, at ang second-runner up ay si Miss Dominican Republic Andreina Martinez.