Tila naka-relate ang maraming mga netizen sa meme tungkol sa "leave of absence" na mula naman sa eksena ni Angelica Panganiban sa comedy series na "Call me Tita" na mapapanood na sa Netflix.

"Tag ko na lang sarili ko para tapos na," caption sa Facebook page ng Netflix.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Mababasa sa meme na tila tinanong ang karakter ni Angge kung bakit ito pumasok sa trabaho gayong naka-leave ito.

"Eh nagte-text at nagte-text din naman kayo. Tumatawag kayo, kaya pumasok na ako. Balewala naman 'yong leave ko," ani Angge.

Narito naman ang reaksiyon at komento ng mga netizen.

"I remember my 1st job. Linggo na nga lang pahinga, tatawagan ka pa haha."

"I remember when I was in my previous job in a hotel."

"Naalala ko pa nga noong naadmit ako sa hospital. Nakasuwero ka na't lahat tatawagan ka pa para ipaproblema sa'yo yung sked ng mga managers mo…"

"Naalala ko yung sa dati ko na work. Naka-maternity leave ako tapos panay tawag ng boss ko, updated ako sa problema sa trabaho. After manganak wala pang 1 month nagtatanong kelan ako papasok so pumasok na ako kahit hilo-hilo pa."

"Work + life balance pero pag off ka, bubulabugin ka."

Relate-much ka rin ba?