Nasunog ang isang squatters' area sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Pasado alas-10:00 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang grocery store sa Sebastian St., Sitio San Roque II na pag-aari ng isang "Intsik."

Sa panayam sa negosyanteng si Francisco Villaruz, taga-Moral St., San Roque I, Brgy. Pag-asa, mag-de-deliver sana siya ng paninda malapit sa lugar nang biglang umusok ang ikalawang palapag ng grocery store.

Dahil gawa sa light materials, gumapang kaagad ang apoy sa mga katabing bahay.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nahirapan ang mga bumbero na pumasok sa lugar dahil sa makipot na kalsada.

Matapos ang mahigit isang oras, naapula rin ang sunog na ikinaabo ng ilang bahay.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng insidente at halaga ng natupok na ari-arian.