Dumipensa ang concert producer na si Joed Serrano hinggil sa mga bali-balitang mabagal umano ang bentahan ng ticket ni Toni Gonzaga para sa kaniyang upcoming concert na "I Am Toni" sa Araneta Coliseum sa Enero 20.

Sa pahayag ni Serrano na inilabas nitong Sabado, Enero 14, sinabi niyang nasa 55 porsiyento na ang nabentang tickets. 

"As of Jan. 13, Friday at 4:45pm, The ‘I Am Toni’ Concert at Araneta Coliseum on Jan. 20 has already sold 55 percent of the tickets. Twenty percent goes to the sponsors who pledged their support for their endorser Toni Gonzaga," saad nito. 

Binanggit din niya na bumili ng 350 tickets ang ina ni Toni na si Mommy Pinty para sa mga umorder dito. 

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Matatandaang naiulat na may nakakita umano kay Mommy Pinty na bumili ng 500 tickets.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/10/benta-ng-concert-ticket-ni-toni-matumal-mommy-pinty-naispatang-bumibili-raw-ng-bultuhang-tiket/

“Mommy Pinti paid 350 tickets for her friends, relatives and church mates who ordered from her. Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to TicketNet.These tickets are paid. Wala ng libre sa panahon ngayon except pag kapamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula," dagdag pa ni Serrano.

“As of this date, we still have 15 percent tickets unsold. You can still buy your tickets and get a chance to watch this very controversial concert.

“It’s a celebration of 20 years in show business and the birthday of our dearest Toni Gonzaga," paglalahad pa nito.

Sa huling bahagi ng pahayag, tila pinayuhan ng concert producer ang mga netizen na mag-unite at maging positibo lang buhay. Huwag din daw maging "nega."

“Let us all unite and be positive in life. Move on and be kind to all. Let us all give ourselves a chance to be good in this world.

“Smile, huwag nega sa buhay. Kung wala kang sasabihing di maganda sa kapwa mo, then might as well be quiet kesa magkasala ka pa at ma-stress. See you all on Jan. 20, 2023, Friday, 8 pm at the Araneta Coliseum.”