Napalitan na ang 1,000-bill polymer banknote na hindi sinasadyang maplantsa ni "Jonathan De Vera" habang nasa bulsa ng kaniyang cargo pants, ayon sa kaniyang latest update ngayong Enero 14.

Aniya sa panayam ng Balita Online, kahapon pa raw naibigay sa kaniya ang sampung sandaang piso bilang kapalit sa isang libong nawala sa kaniya.

Larawan mula kay Jonathan De Vera

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Larawan mula kay Jonathan De Vera

Ibinahagi rin niya ang laboratory findings ng BSP sa isinurender niyang lukot na banknote.

Matatandaang ayon sa ulat, mismong Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kumontak sa kaniya matapos mag-viral ang kaniyang post. Noong Miyerkules, Enero 11, dinala niya ang pera sa mismong tanggapan ng BSP. Aniya, kung hindi man mapapalitan ang pera, gagawin na lamang niya itong souvenir.

Ayon naman sa pamantayan ng BSP, ang anumang perang nasira ay puwede pang mapalitan kung 60% ng nawasak na pera ay buo at malinaw pa, kung saan makikita pa ang lagda ng Pangulo o BSP Governor, at may security thread pa. Kasama pa sa sisiyasatin kung sadya o aksidente lang ang pagkakasira nito.