Labis ang tuwa at pasasalamat ng 17-anyos na Pinay na si Zoe Gabriel sa mga netizen na nagpakita ng suporta sa kaniya matapos mag-viral ang kaniyang TikTok video hinggil sa kaniyang unang “luxury bag,” na umani ng batikos kamakailan.

Matatandaang binatikosang TikTok video ni Zoe matapos niyang ibalandra ang kaniyang unang “luxury bag” na binili mula sa isang sikat na brand na Charles & Keith, ayon sa ilang netizens hindi raw ‘yon kinokonsidera bilang luxury item.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/01/13/17-anyos-na-pinay-sa-singapore-nag-viral-sa-kaniyang-luxury-bag-content/

Matapos mag-viral ang “luxury bag” video sa TikTok, na-impress ang pamunuan ng sikat na brand na Charles & Keith kung paano na-handle ni Zoe Gabriel ang bashers.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya naman inimbitahan ng Charles & Keith si Zoe sa kanilang headquarters office kasama ang kaniyang ama, na nagbigay ng kaniyang unang “luxury bag.”

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/01/13/sikat-na-brand-na-impress-kay-zoe-gabriel-inimbitahan-sa-hq-office-kasama-ang-ama/

Samantala, binigyan ng Charles & Keith si Zoe ng personalised Gabine bag.

Ibinahagi niya sa kaniyang TikTok account nitong Sabado, Enero 14, ang pag-uunbox niya ng naturang mga bag.

"To everyone who has shown their support and endless kindness, this is for you. you have made things happen for me i never thought possible, taught me lessons i will never forget, and have given me so many valuable memories," saad ni Zoe sa caption.

"i would not be here if it weren’t for you, and for the millionth time and counting, i give you all my love, thanks, and well wishes; i am forever grateful and indebted to you all. happy 108k!" dagdag pa niya.

Sa kaniya namang Instagram story, inupload niya ang isa sa mga pinadalang personalised bag na may nakaukit na initials niya, "Z.G."

Binati naman ng mga netizen si Zoe sa comment section ngkaniyang TikTok video.