"Break the code!"

Gumawa ng makasaysayang back-to-back ang Blacklist International matapos magwagi sa kapwa Filipino squad na ECHO, sa score na 3-2, para umabante sa grand finals ng M4 World Championship, nitong Biyernes sa Tennis Indoor Stadium Senayan sa Jakarta, Indonesia.

Dagdag pa rito, ang Tier One-backed squad rin ang unang koponang gumawa ng dalawang magkasunod na pagkapanalo patungo sa finale ng M-series para depensahan ang kanilang titulo.

"Sobrang saya na meron na naman kaming shot na mag-back to back tapos sobrang saya rin kasi sobrang intense ng game. Parang sobrang refreshing nung nanalo kami kasi sobrang intense nung laban (laban sa ECHO)," ani gold laner Kiel "Oheb"

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa lower brackets, home teams na RRQ kasama ang Filipino coach na si Michael "Arcadia" Bocado at ONIC Esports, kasama ang Filipino Jungler na si Kairi "Kairi" Rayosdelsol at coach Paul Denver "Yeb" Miranda. Tinalo ang Falcon Esports ng Myanmar at The Valley ng North America, para mag-set up ng all-Indonesia lower bracket semis duel sa Linggo, 3:00 ng hapon (PST).

Makakaharap ng ECHO Philippines ang sinumang mananalo sa match-up sa lower bracket finals sa parehong araw, 7 ng gabi.