Usap-usapan ngayon sa pageant scene ang bagong format sa pagpili ng bagong Miss Universe para sa edisiyong ito.

Mula sa 84 na kandidata galing sa iba’t ibang panig ng mundo, pipiliin ang Top 16 semi-finalists base sa kanilang naging performance sa closed-door interviews at preliminary competition, isa naman mula sa may pinakamataas na boto mula sa fans gamit ang Miss Universe application.

Ang Top 16 ay magtatagisan ng galing sa pagrampa sa swimsuit at evening gown competition at mula rito ay pipiliin na agad ang Top 5 na siya naman aabante sa question and answer round, matapos ang unang round ng tanungan, pipiliin naman ang Top 3 na siyang sasagot muli sa isa pang tanong mula sa all-female selection committee ngayong taon.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa isang panayam, sinabi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na exciting at mahigpit magiging laban ng mga kandidata, natuwa naman beauty queen dahil mapapakita umano sa mga fans ang pagrampa ng mapipiling Top 16 sa parehong swimuit at evening gown portions.

Si Catriona ay tatayong backstage commentator para sa 71st Miss Universe kung saan makakasama niya ang Emmy Award winner na si Zuri Hall. Main hosts naman sina Jeannie Mai Jenkins at Miss Universe 2012 Olivia Culpo para sa nasabing pageant.

Samantala, sa Final Hot Picks ng sikat na pageant blog site na Missossology, nasa pangalawang pwesto ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi.

Mataas ang kumpiyansa ng Pinoy pageant fans na maiuuwi ni Celeste ang ika-limang Miss Universe crown ng bansa.

Magaganap ang finale ng 71st Miss Universe bukas, Enero 15, alas-nuwebe ng umaga (oras sa Pilipinas) na siyang mapapanood sa ABS-CBN platforms.