PUGO, La Union -- Kumpiyansa si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na lahat ng target na pulis ay magsusumite ng courtesy resignation bago ang deadline nito sa Enero 31.

Sa panayam ng ABN, sinabi ni Azurin na as of 9:00 a.m of Enero 12 ay nasa 88 porsiyento na ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation at ngayon ay on-going na ang pagproseso o pag-check sa mga isinumiting courtesy resignation para alamin kung tama ito, bago ito ibigay sa 5-man team committee na mag-e-evaluate at mag-a-assess.

“Gaya ng nabanggit ko noong una pa, ang pamamaraan na ito ay isang napakalaking hamon sa hanay ng kapulisan at nakita natin ang responsiveness ng ating mga senior police officers para ipakita ang kanilang suporta sa kampanya natin laban sa illegal drugs,” pahayag ni Azurin.

Si Azurin ay nagtungo sa Barangay Cuenca, Pugo, La Union para pangunahan ang groundbreaking ceremony ng itatayong 2-storey Community Police Assistance Centers (COMPAC).

Probinsya

Gen. Azurin, pinangunahan ang groundbreaking ng itatayong COMPAC sa La Union