"Plastic surgery gone wrong"

Isinalaysay ng isang contestant na si Ellowe Alviso ang kaniyang karanasan sa segment ng 'Bawal Judgemental' ng 'Eat Bulaga' na na-scam umano siya ng dalawang beses sa pagpaparetoke ng mukha ng isang nurse at legit na doctor.

Kuwento niya, may ipinakilala ang kaniyang kaibigan na nurse at marunong umano ito magturok at mag-inject na imbis na ₱5,000 ay ibinigay na lang sa halagang ₱500.

Aniya, "bali ng magpa-inject ako noong 2012 ng Hunyo, bali ang sinisingil po talaga sa'kin nung bakla po na nagpakilalang nurse at may alam sa magturok, mag-inject, na ipinakilala ng isang kaibigan na ganito mangyayari, yung imbis na ₱5,000 ay ₱500 na lang ang ibigay."

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ibinahagi rin ni Alviso na biktima rin umano siya ng pang-aabuso ng kaniyang pinsan noon kung kaya't bumababa ang tiwala sa sarili't naniwala agad na makatutulong ang nurse na inirekomenda sa kaniya.

Matapos niyon ay tinurukan umano siya ng anim na beses sa mukha at isa sa baba na tumagal sa loob ng dalawang taon. Dahil dito nag sunod-sunod umano ang kaniyang mga naging raket noon dahil umayos ang kaniyang itsura.

"After magpa-inject sa halagang ₱500 ng anim na beses, lima sa ilong at isa sa baba po, so gumanda naman po siya tumagal ng dalawang taon."

Kinalaunan, napansin umano ng kaniyang mga ka-trabaho sa isang model agency noon na lumalaki, namumula, namamaga at umabot sa puntong inuuod na ito.

Nang mangyari ito ay pumunta na umano siya sa isang sikat at lisensyadong doctor at dito pinaayos ngunit sa halip na sa ibang parte ng katawan kumuha ng balat ay napili ng doctor sa leeg. Dagdag pa niya, 28 surgeries sa loob ng walong taon ang ginawa sa kaniya na naging resulta ng itsura niya ngayon.

Naging malaki umano ang epekto nito lalo na sa kaniyang paghahanap ng trabaho bilang model o talent dahil napapapagkamalan siyang ‘nagbigti’ o ‘naglaslas’.

Agad din umano siyang nagsampa ng kaso sa nurse ngunit hindi naging sapat ang 50,000 na binayad sa kaniya dahil sa halagang 30,000 ay nakalaya rin agad ito.

Samantala, hindi umano niya kayang sampahan ang pangawalang doctor dahil natatakot siyang sampahan ng kaso dahil sikat ito.

Pinuri naman si Alviso ng ilang host ng programa sa pagiging matatag sa pagharap sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan, at sa pagiging pursigido nito sa buhay.