Hindi na papopormahin ng Ginebra San Miguel si Bay Area Dragons import Myles Powell sa kanilang winner-take-all Game 7 upang hindi na maduplika ang solidong performance nito sa Game 6 na nagresulta sa pagkatalo ng una, 87-84, sa PBA Commissioner's Cup Finals series.

Sinabi ni Gin Kings head coachTim Cone, lalo pa nilang higpitan ang depensa laban sa Amerikanong manlalaro na kumubra ng 29 puntos, pitong rebounds at tatlong assists sa kanilang laban nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum, sa kabila ng injury nito.

Napilitang ibalik sa active roster s sa active roster si Powell matapos magkaroon ng pilay sa bukung-bukong ng kaliwang paa ng isa pang import na si Andrew Nicholson.

Paliwanag ni Cone, todo-bantay na ang mga manlalaro nito sa bawat buslo ni Powell sa naturang laban. Gayunman, nakalulusot pa rin ang mga tres ng nasabing import.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nalimitahan din aniya nila ang Bay Area dahil mababa sa 90 ang naging iskor nito sa kabila ng pagbabalik ni Powell.

Matatandaanghumakot ng 50 puntos si Powell matapos nilang pataubin ang TNT Tropang Giga, 140-108 noong Nobyembre 23, 2022.

Tiniyak din ni Cone na doble-higpit na ang pagbabantay nila kay Powell sa kanilang winner-take-all Game 7 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Linggo, Enero 15.

Pipilitin na rin ng Gin Kings na maipanaloang laro upang maiuwi ang inaasam na kampeonato.