“When technology meets the nature”

Viral at pinusuan ng netizens ang litratong kuha ng isang photographer na si Mickey Galdiano, kung saan tila sumunod ang ibon sa direksyon ng eroplano ng isang airline.

May schedule ng photoshoot sa araw na iyon si Mickey at ang model niya ay nakasuot ng “racing outfit.” Habang nasa field, napansin niya na mas maganda kung mountain bike na lang ang props na gagamitin ng kaniyang model kaya habang inaantay ni Mickey na mahiram ang mountain bike, napatingin ito sa itaas dahil sa mga ibon na paikot-ikot na lumilipad sa himpapawid, timing din daw na may parating na eroplano. 

Aniya, “I was on the location sa Cavite, tapos yung outfit ng model ko is racing outfit, so, para kako na mas maganda yung concept manghihiram na lang kami ng mountain bike. And while waiting, I saw this bird above us, paikot-ikot din, pagtingala ko infront may parating na plane.”

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

“Agad-agad, I need to shift my camera setting to the appropriate setting na makukuha yung gusto ko. Only 3 shots, yan lang pinaka nagustuhan ko,” dagdag pa niya.

Natuwa rin umano siya na pinuri ng netizens ang kaniyang kuhang litrato dahil hindi talaga ito ang bida sa araw na iyon, kung ‘di ang model niya na naka-racing outfit.

Sa eksklusibong panayam ng Balita online kay Mickey, naikuwento niya na ang mga litratong kuha niya na makikita sa Galdiano productions Facebook page ay hindi para sumikat siya, kung ‘di ginagawa niya ito para sa kaniyang pamilya. Hindi rin umano siya confident sa mga kuha niya, pero sabi ng mga netizens at mga kaibigan niya na malinis at mahusay ang mga kuha niyang litrato.

“Sa dami ng mga nagawa ko, I always remain ‘lowkey.’ Lagi ko iniisip na walang espesyal sa mga litrato ko o normal lang, kaya siguro sa susunod na gagawin ko laging mas malupit at laging mas WOW. I’ve always gauged myself by challenging my best and to beat the best out of me,” pagkukuwento niya.

Nagsimula si Mickey sa film based photography at ayon sa kaniya hindi niya plano na tahakin ang buhay bilang photographer.

“I started in FILM base Photography when I was young, and I really don't have plans on going on this path, and then get an Engineering course in college. Then finished and worked as an IT Engineer ‘till promoted to IT Head, and then there's one opportunity na nag-open sa akin to be Asst. Photographer abroad. Imagine exchanging the managerial position in the Philippines, to Asst. Photographer abroad. More than 18 yrs working as International Creative Professional Photographer, natutupad ko yung dream ko noong araw. Now I want to travel the world and capture each beauty,” pagbabahagi niya.

Malungkot din na ibinahagi ni Mickey na inabutan siya ng pandemic dito sa Pilipinas at hindi na siya nakabalik pa ng abroad. Dagdag pa niya, bukas umano siya sa mga taong gustong kunin siya upang maging photographer sa anumang okasyon.

“Make your photos speak for itself. Always practice at laging tandaan na be humble,” yan naman ang payo ni MIckey sa mga nangangarap na maging photographer.