Natuwa ang netizens matapos irampa ni Miss Universe Philippines Celesti Cortesi sa preliminary ng swimsuit competition ang kapang gawa ng mga bata sa Marawi.
Ibinahagi sa official Facebook account ng Miss Universe Philippines organization, ang mga larawan ng ating pambato.
"Miss Universe Philippines 2022 @celeste_cortesi carried her experience from Save the Children Philippines outreach in Marawi to the Miss Universe stage through the cape that the Filipino children had a hand at making,” ayon sa caption.
Sa hiwalay na post, ibinahagi ng organisasyon ang naging inspirasyon ni Celesti sa suot niyang kapa.
Aniya, “in amplifying the voices of the children who need our help, I wanted to bring them with me on the Miss Universe stage. The imprints all over the cape remind me that having a title means to have a purpose beyond myself. Having talked to some of the mothers of the children beneficiaries, I was reminded of my own Mother who struggled to provide for my sister and I."
"Unfortunately, there are millions of children who live in poverty, amidst crisis. I hope that it inspires people to donate to Save the Children Philippines. There’s much work to be done and every single person’s help matters," dagdag pa niya.
Ayon sa Missosology, grupo ng pageant experts, pumapangalawa si Celeste sa posibleng makasungkit ng korona.
Sa ngayon "early crowd favorite" ang ating pambato pagdating sa preliminary evening gown competition.
BASAHIN: Venezuela, top pick ng Missosology para sa Miss Universe title; Celeste Cortesi, pumapangalawa