PUGO, La Union – Pinangunahan ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr., ang groundbreaking ceremony ng itatayong two-storeyCommunity Police Assistance Center (COMPAC) sa Barangay Cuenca, Pugo, La Union, noong Enero 12.
“Very timely at maganda ang lokasyon ng COMPACna ito na malaki ang maitutulong sa mga karatig-barangay at magiging mabilis na pag-responde ng ating kapulisan sa anumang insidente,” pahayag no Azurin.
Aniya, hindi lamang mga residente ang makikinabang sa COMPACna ito, kundi ang maging mga motorista na dumadaan patungong siyudad ng Baguio.
“Ang buong PNP ay nagpapasalamat sa mga ganitong programa para sa peace and order at serbisyo sa mga mamamayan. Nagpapasalamat din tayo sa mga opisyales ng Pugo municipal government at sa mga opisyales ng barangay na nagkaisa para sa katuparan ng proyektong ito,"pahayag pa ni Azurin.
"Sana bago kami mag-retiro sa serbisyo ay matapos ito at makabalik para sa blessing at ito ay isang munting regalo naming sa aming superior na si retired Lt.Gen.Eugene Martin, na tumulong sa amin noong junior officier pa lang ako,” dagdag pa ni Azurin.
Malaki din ang pasalamat ni Mayor Kurt Walter Martin sa mabilis na aksyon ni Azurin sa kanilang kahilingan na magkaroon ng COMPACsa lugar.
“Very strategic yong pagtatayuan ng Compac na malaki ang maitutulong sa peace and order at agarang pag-responde sa mga barangay ng Saytan, San Luis, Maoasoas Norte at hindi na manggagaling pa sa munisipyo ang responde ng pulis na masyadong malayo,” pahayag ni Martin.