Sinuspindi ngLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyaheng Cubao-Baguio ng 26 na bus ng Victory Liner kasunod na rin ng kinasangkutang aksidente ng isang unit nito sa La Union kamakailan na ikinasawi ng tatlo katao.
Sa kautusan ng LTFRB, 30 na araw na hindi makabiyahe ang mga nasabing bus at sa naturang panahon, kinakailangang iharap ng kumpanya ang katibayan ng financial assistance at kabayaran ng insurance company sa mga nasawi sa aksidente.
Iniutos din ng LTFRB sa kumpanya na isailalim saroad safety seminar ang mga driver nito.
Inoobliga rin ng ahensya ang Victory Liner na isumite sa kanila angroadworthiness certificate ng 26 na bus, pati na rin ang schedule ng maintenance service ng mga ito.
Pinagpapaliwanag din ng LTFRB ang kumpanya kung bakit hindi dapat masuspindi, makansela o mabawi ng ahensya angCertificate of Public Convenience ng mga unit nito.
Matatandaang sumalpok sa isang puno ang isang bus nito sa Pugo, La Union habang bumibiyahe patungong Cubao, Quezon City nitong Enero 3.
Ikinatwiran naman ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na hindi sana nagkaroon ng aksidente kung dumaan saroadworthiness inspection ang naturang bus.