Nasa 904 na heneral at koronel ng Philippine National Police (PNP) ang nagsumite na ng courtesy resignation batay na rin sa panawagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa layuning matanggal sa pulisya ang mga opisyal na sangkot sa illegal drugs.
Sa isang pulong balitaan nitong Biyernes, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na 50 na lang sa 954 high-ranking officials ang hinihintay nilang magsumite ng resignation.
Tiniyak ni Abalos na may integridad ang mga bumubuo ng 5-man committee na sasala sa resignation ng mga opisyal ng PNP.
“Importante sa akin 'yun, salang-sala," sabi ng opisyal.
Nauna nang tiniyak ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isasailalim sa lifestyle check ang mga naghain ng courtesy resignation upang madetermina kung may itinatagosilang kayamanan.