Hindi umano mauungkat ang usapin sa Swiss bank accounts ng pamilya Marcos sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Switzerland sa susunod na linggo, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes.

Nilinaw ni DFA Undersecretary Carlos Sorreta, dadalo lamang si Marcos sa 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos at hindi magkakaroon ng talakayan hinggil sa usapin.

"Mayroon tayong malinaw na framework for legal cooperation with Switzerland, nag-negotiate po tayo ng mga agreements for cooperation on legal matters including even iyong mga matters that may relate to this issue that you are referring to," paliwanag ni Sorreta sa mga mamamahayag na umungkat sa naturang usapin.

Gayunman, tumanggi na si Sorreta na magbigay ng komento kung may posibilidad na mag-withdraw si Marcos sa Swiss bank accounts ng pamilya nito sa naturang bansa.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Dadalo si Marcos sa WEF mula Enero 15-20, ayon pa kay Sorreta.

Matatandaangnapatunayan ng Sandiganbayan na nagkasala si dating First lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa 7 counts ng kasong graft noong 2018 dahil sa paggamit ng kanyang posisyon upang mapanatili ang kanilang Swiss bank accounts sa rehimeng Marcos.