'Unforgivable, nakakahiya'

Iyan ilalarawan ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa nangyaring air traffic control system glitch na nagpabagsak sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Enero 1, 2023.

Dahil sa kahihiyang idinulot ng nangyaring glitch, magbubukas sa susunod na linggo ng imbestigasyon nito na pinamumunuan ni Senator Grace Poe.

“It is unforgivable yong nangyari sa atin, why? Unang una, nakakahiya, buong mundo naging laman tayo ng balita na walang nakakaraan na airplane ni-isa sa Philippine airspace," ani Zubiri habang nagpahayag ng pagkadismaya at sinabing sinira ng insidente ang imahe ng Pilipinas sa internasyonal na komunidad.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Kung makikita niyo yong flight tracker not a single plane from any country could go through Phlippines. Parang naging no fly zone tayo for six hours,” dagdag pa niya.

Para kay Zubiri, nakakadismaya na habang kasalukuyang gumagawa ng paraan si Pang. Ferdinand "Bongbong" Marcos upang maisulong ang sa ibang bansa, ang ilang mga awtoridad ay hindi man lang inisip kung paano makakaapekto ang insidenteng ito.

Sa hinuha ni Zubiri, posibleng "pananabotahe" ang nangyari at kung sakali man na ito ay incompetence, “then people should be fired.”

Aniya, “Imagine kung totoo nga yong switch para sa 240 volts inilagay sa 380 na volts, kalokohan yon di ba? Kapalpakan yon and we have to look into that. That should never happen again and lets get properly trained individual to handle this because it is also a national security risk."

Samantala, sinabi ni Poe na susuriin ng pagdinig ang lahat ng mga detalyeng naganap noong Enero 1 dahil naninindigan siyang pinili niyang ilipat ito sa Enero 12, kaya papayagan din nito ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP at Department of Transportation (DOTr) na gawing normal ang mga operasyon ng paliparan bago magsagawa ng pagdinig.

"By that time, key executives should not have an excuse not to attend," saad ni Poe.

Apat na resolusyon ang inihain sa Senado na naglalayong imbestigahan ang aberya na tumama sa air traffic management system ng bansa noong Bagong Taon.