Itutuloy na ng gobyerno ang programa nitong Libreng Sakay, ayon sa pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Huwebes.
Paliwanag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, naglaan na ang gobyerno ng₱1.285 bilyon para sa servicecontracting program ngayong taon na saklaw pa rin ng 2023 budget ng Department of Transportation (DOTr).
Aniya, ang paglalaan ng badyet para sa free rides program ay alinsunod pa rin sa Republic Act 11936 o angFiscal Year (FY) 2023 General Appropriations Act, na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..
“May pondo po ang Service Contracting Program sa ating FY 2023 GAA [General Appropriations Act]. Naglaan po ang pamahalaan ng₱1.285 billion para maipagpatuloy ang programang ito ngayong taon,” anang kalihim.
Matatandaang natapos ang libreng sakay sa EDSA Busway system nitong Enero 1, 2023.
Ang Libreng Sakay ay joint program ng DOTr atLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang matulunganang mga pasahero na apektado ng pagtaas ng mga bilihin at serbisyo.