Paiigtingin pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang kampanya laban sa mga iligal na pag-angkat ng mga produktong pang-agrikultura. 

Ito ay sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatupad ng mga hakbang at pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan.

Noong 2022, halos umabot sa P2 bilyong halaga ng produktong pang-agrikultura ang nasabat sa iba’t ibang pantalan sa bansa, kabilang na rito ang ₱600 milyong halaga ng sibuyas.

“It's already reached - just for onions alone, have reached more than ₱500 to ₱600 million. When it comes to agricultural products, it has reached more than ₱1.9 billion in the year 2022. The Bureau of Customs will continue to watch closely,” ayon sa pahayag ni BOC spokesperson Arnaldo dela Torre, Jr.