Ang pambato ng Venezuela na si Amanda Dudamel ang top pick ng grupo ng pageant experts sa Missosology, ilang araw bago ang inaabangan ng finale.
Ito ang makikita sa ikaapat na hot picks ng Missosology, Martes.
Para sa huling deliberasyon ng pageant analysts, si Amanda ang kasalukuyang may pinakamalakas na potensyal para sa Miss Universe crown ngayong edisyon.
Pumapangalawa sa listahan ang delagada ng Pilipinas na si Celeste Cortesi; pangatlo si Maria Fernanda Aristazabal ng Colombia; pang-apat ang manok ng Puerto Rico na si Ashley Carino habang nasa ikalimang puwesto naman si R’bonney Gabriel ng USA.
Kung papansinin, ang mga nabanggit na bansa ay pawang pageant powerhouses na mayroon nang kaniya-kaniyang bilang ng Big 5 crowns kabilang ang Miss Universe mula noon.
“It’s not just about the sash but also because these countries have a reputation to keep so they work extra hard to ensure they will only send high quality and well-trained candidates. But let’s admit that we are biased towards a feel-good narrative perhaps with poignant scenes from a Cinderella-like story. Maybe another Sushmita Sen or a Leila Lopes is what we need this year,” anang latest hot pick.
Samantala, kabilang din sa top list ng Missosology sina Gabriela dos Santos ng Curaçao, Alicia Faubel ng Spain, Anna Sueangam-iam ng Thailand, Ndavi Nokeri ng South Korea, Hannah Iribhogbe ng Nigeria, Virginia Stablum ng Italy, Divita Rai ng India, Nguyễn Thị Ngọc Châu ng Vietnam, Irma Miranda ng Mexico, Alessia Rovegno ng Peru, Toshami Calvin ng Jamaica, Evlin Khalifa ng Bahrain at Kiara Arends ng Aruba.
Bukas, Huwebes, aarangkada na ang preliminary competition ng Miss Universe.