Inaasahang magpatupad ng dagdag-pasahe ang Light Rail Transit 1 (LRT-1) at LRT-2 sa mga susunod na araw.
Ito ay nang aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling na karagdagang ₱2.29 na boarding fare at ₱21 sentimos naman sa bawat kilometro sa dalawang LRT line.
Sa kasalukuyan, aabot sa ₱15 ang singil mula Roosevelt hanggang Balintawak para mga gumagamit ng stored value cards o ₱20 para sa mga gumagamit ng single journey ticket.
Nasa ₱12 naman ang singil mula Recto hanggang Legarda sa mga gumagamit ng stored value card at ₱15 naman sa mga single journey user.
Hinihintay na lamang ang pag-apruba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista upang maipatupad na ang taas-pasahe.