Dalawang taon na ang nakalilipas simula nang pumutok sa publiko, kasabay ng fireworks, ang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa kasagsagan ng New Year's Eve, at unang araw naman ng Enero 2021.

Matapos ang kontrobersiyal na mga usapin at pagdinig kung pinatay o sa iba pang dahilan nasawi ang dalaga, absuwelto ang 11 kataong na-involve sa naturang kaso. Ang mga taong ito ay nakasama umano ng dalawa sa City Garden Grand Hotel, Makati City nang mangyari ang insidente.

Batay sa mga pagsusuri, ruptured aortic aneurysm ang sanhi ng pagpanaw ng flight attendant kaya hindi rin gumulong ang kaso sa kalalakihang sinampahan ng kaso, sa kakulangan ng matibay na ebidensiya.

Ayon naman sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, tahimik na ginunita ng ina ni Christine na si Sharon Rose Dacera ang 2nd death anniversary ng anak.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Mababasa naman ang simpleng pagpupugay ng ina sa kaniyang anak sa pamamagitan ng Facebook post noong Enero 9, 2023.

"I love you Anak♥️♥️♥️🙏🙏🙏🙏We keep praying for you,I know in God's hand JUSTICE AND TRUTH WILL COME TO PREVAIL IN YOUR CASE👊👊👊🙏🙏🙏🙏," aniya sa caption.