Matapos ang 18 pagsasama, ikinasal na sa pamamagitan ng church wedding na sina ABS-CBN journalist, segment host, at funnyman Marc Logan at longtime partner na si Eloisa Diego nitong Martes, Enero 10 sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City.

Si "Marcelo Logan Ponti Jr." o mas kilala bilang Marc Logan ay ang naghahatid ng mga nakaaaliw na istorya o trending post sa social media, sa pamamagitan ng "Mga Kuwento ni Marc Logan" sa flagship newscast ng ABS-CBN na "TV Patrol".

Ayon sa ulat, mga "big time" sa industriya ng media at politika ang principal sponsors ng kanilang kasal. Para sa male sponsors, ito ay sina Kabayan Noli de Castro, Jake Maderazo, Ted Failon, DSWD Secretary Erwin Tulfo, DILG Secretary Benhur Abalos Jr., House Representative Edward Hagedorn, House Representative at dating PBA player Franz Pumaren, GMA News anchor Mike Enriquez, at ABS-CBN executive Ernie Lopez.

Para naman sa female sponsors, ito ay sina Senadora Cynthia Villar, ABS-CBN boss Cory Vidanes, Korina Sanchez, Karen Davila, Ces Orena, Doris Bigornia, Quezon City Mayor Joy Belmonte, DSWD Undersecretary Nina Taduran, Judge Carmencita Logan, Senator Grace Poe-Llamanzares, at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa 18 pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak sina Marc at Eloisa.

Mababasa naman sa social media post ng isa sa sponsors na si Karen ang kaniyang pagpupugay sa dalawa.

"MARRIED! FINALLY, AFTER 18 YEARS"

"ABS-CBN’s Marc Logan & Lois Diego have considered themselves married since 2003 but have formally tied the knot today. Say hello to Mr & Mrs Ponti."

"What a beautiful testimony of love tested by time & a recommitment done before God!"

"To Marc & Lois, may this day seem like the first of forever! Thank you for letting us celebrate with you."