Binalaan ng Korte Suprema ang publiko dahil sa indibidwal na nagpapanggap bilang si Chief Justice Alexander Gesmundo.

Umapela ang public information office ng Supreme Court (SC) nitong Miyerkules, na balewalain ang sinumang magpadala ng mensahe, gamit ang mobile number na +63 955 207 3094 dahil nagpapakilala ito na siya si Gesmundo.

“The public is warned to ignore messages sent from any platform using the said number, or any other phone number claiming to be the Chief Justice,” ayon sa SC.

Idinagdag pa ng SC na ini-report na nila sa mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang may kagagawan nito.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev