Isa sa mga susi upang maging epektibo ang pagtuturo ay paggamit ng iba't ibang estratehiya at teknik. Mahalaga ito upang maging masaya at makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na kung sa "patay" na oras natapat ang asignatura. Kaya naman, inaasahan sa mga guro ang pagiging malikhain sa pagbuo ng kanilang banghay-aralin, na magiging gabay nila sa aktuwal na pagsasagawa ng pagbabahagi ng kaalaman.

Kaya naman, usap-usapan ang ibinahaging TikTok video ng gurong si Teacher Clinton Miguel mula sa San Fernando, Pampanga, kung saan makikita ang paggamit niya ng estratehiyang "Game Show" sa pagtuturo ng kaniyang aralin sa MAPEH.

“Transforming the classroom environment and regular activities into a game show,” aniya sa kaniyang caption.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Humanga ang mga netizen sa mga kagamitang ginamit ni Teacher Clinton dahil hindi lamang isang monitor ang ginamit niya kundi tatlo, bukod pa sa may naka-set up na mga camera. Maririnig naman sa background at kasiyahan ng mga mag-aaral.

Narito ang ilan sa mga positibong reaksiyon at komento ng mga netizen:

“I think pwede ‘to gamitin if magpapa-graded recitation para hindi mahiya ang mga students na sumagot! Nice concept, sir!”

"Ang creative! sana noon meron kaming ganiyan kaso antok kami lalo 1pm class HAHAHAHA.”

"Kami rin kanina may pa ‘Game Ka na Ba?’ pero ‘yung mga questions related sa topic hahahahaha ansaya.”

"Ang magiging kalaban lang ni Sir ay time allotment at yung mga admin na nakatanikala na sa curriculum ng DepEd but it's a good idea."

"Yung mga admin at oldies na traditional magturo nakataas ang kilay pag ganito magturo ang mga batang teacher kahit maganda naman ang strategy."

"Maganda 'tong idea na 'to sa demo teaching pero siyempre sa regular days natin di 'to ubra… tnx sa idea sir gayahin ko to sa COT ko haha."

"Ito yung teacher na di malilimutan ng mga student niya."

Sa kabilang banda, may mga netizen naman ang nagsabing may consequences din ang ganitong ka-effort na teaching strategy.

"Time-consuming."

"Been doing game-based teaching pero hininto ko kasi time-consuming tapos mas nagfo-focus ang mga bata na manalo kaysa matuto. Defeated yung purpose."

"Kawawa ang katabi nilang classroom."

"Efficient po ba sir? O baka natuwa lang ang mga bagets tapos hindi naman pala natuto?"

"Intro pa lang ubos na oras."

"Maganda at masaya pero may consequences, nakakapagod 'yan pag pito klase mo sa maghapon kain time din ang pagse-set up."

"Di ko sure para kanino 'to, para sa students or para kay sir. Haha but good effort!"

"Not practical. Can be used for events only, not in a regular class."