Inaasahang pupuwersahahin na ng Ginebra San Miguel na manalo sa Game 6 laban sa guest team Bay Area Dragons upang makubra ang kampeonato sa PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City ngayongMiyerkules ng gabi.

Sariwa pa sa Gin Kings ang kanilang panalo laban sa Dragons, 101-91, sa Game 5 nitong nakaraang Linggo na nagbigay sa kanila sa 3-2 bentahe sa PBA Finals series.

Sa naunang pahayag ni Ginebra head coach Tim Cone, hindi pa rin sila kampante sa Game 6 matapos mabalitaang ni-reactivate ng Bay Area Dragons ang kanilang scoring machine na reserve import na si Myles Powell kapalit ng napilay na import na si Andrew Nicholson.

Sinabi ni Cone, nakapaghanda na sila nang bahagya matapos manalo nitong Enero 8 at pinagtuunan nila ng pansin ang kanilang depensa lalo pa't maglalaro na si Powell.

VP Sara ipapa-subpoena ng NBI at DOJ; posible raw makasuhan

Ang nasabing high-scoring American guard ng Bay Area ay uma-average ng halos 40 puntos kada laro bago ito magkaroon ng injury sa kaliwang paa bago magsimula ang playoff.

Kaugnay nito, kumpiyansa naman si Bay Area Dragons coach Brian Goorjian na mapapahaba pa nila ang serye.

“We lose, we’re out. It’s to that point,” pahayag ni Goorjian kamakailan.