Bigo ang aktres na si Dolly De Leon na masungkit ang "Best Supporting Actress award" para sa kaniyang pagganap sa pelikulang "Triangle of Sadness" sa 80th Golden Globe Awards sa Los Angeles, United States.

Ang pagkilala ay ipinagkaloob sa kapwa nominado na si Angela Bassett, na bumida sa "Black Panther: Wakanda Forever."

Screengrab mula sa Twitter

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I am hoping na manalo tayo but if another actress wins, then she also deserves it,” lahad ni De Leon sa isang panayam bago ang nasabing awards night.

Kinilala rin ni De Leon kung paanong ang kaniyang tagumpay ay nagbukas ng mas malawak na pagkakataon at pagpapahalaga para sa mga Pilipino, ngunit aniya ang mas mahalaga para sa kanya ay ang pagpapatuloy ng kanyang hangarin na maging isang mas mahusay na aktor at tao.

Matatandaang si De Leon ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng best supporting performer award sa Los Angeles Film Critics Association na personal niyang matatanggap sa Enero 14 sa Los Angeles.

Bagama’t hindi nanalo si De Leon sa Golden Globe Awards, trending at aktres sa social media kung saan proud pa rin ang kanyang mga taga-suporta.

Mapapanood naman si De Leon sa bagong teleserye ng ABS-CBN na “Dirty Linen” kung saan mayroon itong importanteng role.