Maraming Kapamilya fans ang natuwa sa balitang kahit hindi pa natatapos sa Pilipinas ay mapapanood na rin sa bansang Indonesia ang "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" ni Jane De Leon, sa free TV channel na "ANTV".

Makikita na rin sa opisyal na Instagram page ng ANTV ang opisyal na anunsyo ng paglipad ni Darna sa naturang bansa. Kapansin-pansing nakatakip ang simbolo ni Darna sa bandang dibdib ng bida.

View this post on Instagram

A post shared by ANTV (@antv_official)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa Facebook page na "Philippine Entertainment", nag-aalala raw ang maraming Indonesian viewers na nag-aabang sa Darna ni Jane de Leon dahil baka i-blur daw ang costume niya kapag ipinalabas na ito sa Indonesian TV.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"May mga Christian at Catholic po na Indonesian citizens dahil marami akong kaibigan dito…"

"Respect their beliefs. Muslim country po ang Indonesia kaya bawal balot na balot ang kasuotan nila at bawal ang ganiyan ni Darna according to their beliefs."

"Noong nanuod ba sila ng Wonder Woman at ibang superheroes na may labas katawan ipina-blurred din ba ng indonesia? Curious lang?"

"Better not to air it , kung nagkataon si Jane ay mapupuno ng bash sa ibang bansa."

"Siguro naman na-consider na yan bago pumayag ang ANTV na i-ere 'yan sa bansa nila."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng ANTV, JRB Creative Production, o maging ang ABS-CBN tungkol dito.