Nakapaghakot ng tone-toneladang basura ang Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos ang Pista ng Itim na Nazareno noong Enero 9. 

Sa ulat ng MMDA, nasa 27.61 tonelada ng basura o katumbas ng walong truck ang nahakot ng kanilang mga tauhan.

Ang paglilinis ay isinagawa ng mga tauhan ng Metro Parkways Clearing Group ng MMDA mula sa mga lugar na pinagdausan ng mga aktibidad.

Ayon sa PNP, ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon ang pinakatahimik at mapayapa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente