Tataas ng P0.62 kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Enero.

Sa abiso ng Meralco, nabatid na dahil sa pagtaas ng singil ng Meralco na nasa P0.6232/kwh, ang total electricity rate ngayong buwan ay papalo sa P10.9001/kWh mula sa dating P10.2769/kwh noong Disyembre.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang taas-singil ay bunsod nang pagtaas na P0.3316/kwh ng generation charge, gayundin ng pagtatapos na ng distribution-related refund na P0.2761/kwh para sa residential customers.

Bukod dito, napilitan rin umano ang Meralco na bumili ng mas mahal na kuryente sa spot market & EPSA matapos kumalas sa kontrata ang planta ng San Miguel Corporation (SMC).

National

Amihan, shear line, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH

Dahil naman sa naturang taas-singil, ang mga tahanang kumukonsumo ng 200kwh kada buwan ay magkakaroon ng mahigit P124 na dagdag-bayarin; P186 naman para sa mga nakakagamit ng 300kwh; P248 para sa mga kumukonsumo ng 400kwh at P310 para sa mga nakakagamit ng 500kwh na kuryente kada buwan.