"Goodbye ₱1k pandagdag ko pa naman sa enrollment fee ko…"

Panghihinayang ang naramdaman ng netizen na si Jonathan De Vera matapos niyang aksidenteng maplantsa ang ₱1000-bill polymer banknote na nakalimutan niyang tanggalin sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"Isang nakakaasar na kaganapan. Basahin at intindihin, wag tularan," aniya sa kaniyang viral Facebook post kahapon ng Lunes, Enero 10.

"Naiwan ko sa bulsa ng pantalon ko ang 1000 na polymer. It so happen na nagplantsa ako. Nakapa ko lang nung binaligtad ko pantalon ko. Ito ang nangyari."

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

Kalakip ng kaniyang post ang mga kuhang litrato sa naturang polymer banknote na lukot-lukot na.

"Sadly di raw tatanggapin sa banko. In short souvenir ko na 'to."

"Moral lesson: wag ilalagay ang pera sa pantalon kundi sa wallet."

Wala pang pahayag mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP kung mapapalitan pa ba ang mga ganitong banknote kung sakaling matulad sa nangyari kay De Vera.

Ayon sa panayam ng Balita Online, si Jonathan ay 40 anyos, taga-Caloocan, at nagtatrabaho bilang Communications and Accounts Specialist.