Hinikayat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang mga debotong dumalo sa pista ng Poong Nazareno nitong Lunes, na kaagad na mag-isolate sakaling makaranas sila ng mga posibleng sintomas ng Covid-19.

Sa isang press briefing, sinabi rin ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na maaari rin silang tumawag sa kani-kanilang lokal na pamahalaan para sa proper management.

Hinimok pa niya ang mga deboto na magsuot ng face masks sa susunod na limang araw upang maiwasan ang posibleng hawahan ng virus.

“Kung saka-sakali lamang pong makakaramdam na parang tinatrangkaso, sinisipon, inuubo, nilalagnat, mag-isolate na agad at tumawag sa ating local governments for proper management,” ayon kay Vergeire.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa dalawang milyong katao ang dumalo sa mga idinaos na banal na misa sa Quiapo Church at Quirino Grandstand, gayundin sa padungaw at kauna-unahang Walk of Faith para sa pista ng Nazareno.

Una nang kinansela ng Simbahang Katolika ang pagdaraos ng Traslacion para sa pista, gayundin ang pahalik sa poon, upang maiwasan ang posibleng hawahan ng Covid-19.