Hindi napigilan ng aktres, TV host, at social media personality na si Alex Gonzaga-Morada na maging emosyunal sa kaniyang latest podcast na "Ano na Catherine" kung saan tinalakay niya ang "Pagiging Mayabang ba kapag Ikaw ay naging Matapang".

Aminado si Alex na naaapektuhan din siya sa mga hindi magagandang nasasabi patungkol sa kaniya, subalit ipinakikita na lamang niya sa mga tao na matapang siya at hindi siya tinatablan.

"Mahirap siyang aminin sa sarili mo na, I'm a weak person. Yung mukha kang matapang sa harap ng maraming tao pero ang bilis mong masaktan. Pag may sinabi sa 'yo or may ginawa sa 'yo yung isang tao, parang apektado ka pero ayaw mong maging ganoong klaseng tao, ayaw mong masabihang 'Mahina 'yan eh…'

Inamin ni Alex na naramdaman niya noon ang pagkukumpara sa kanilang dalawa ng ateng si Toni Gonzaga, lalo na sa kanilang pamilya.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Kahit nasa 30s na, aminado si Alex na hanggang ngayon ay struggle pa rin sa kaniya kung paano titimbangin ang sarili, kung paanong maipakikitang matapang siya subalit hindi magiging mayabang ang dating.

Dumating din sa puntong hindi masaya si Alex sa kung ano ang nangyayari sa kaniyang career at maging sa kung ano siya.