Mas mahal pa sa BLACKPINK! Trending sa Twitter ang pagkadismaya ng fans ng K-pop group na TREASURE matapos ang anila’y hindi makatarungang presyo ng tiket para sa comeback concert ng grupo sa bansa.

Sa anunsyo ng Live Nation Philippines nitong Martes, ang opisyal na event promoter ng inaabangang "Hello" Tour ng K-pop group sa Pilipinas, ibinahagi nga nito ang kabuuang ticket prices at perks packages na maaaring pagpipilian ng fans.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

https://twitter.com/livenationph/status/1612645413395501056

Mula sa general admission na P3,500, aabot hanggang P19,500 ang pinakamahal na ticket prices kalakip na ang soundcheck at send-off perks ng fans.

Ngayong araw din nagbukas ang registration para sa online membership ng fans na maaaring mauna sa tinatawag na “Fanclub Presales” sa darating na Enero 19.

Kasunod ng mga detalyeng ito, agad namang nagpahayag ng pagkadismaya ang maraming Pinoy fans ng K-pop group, o ang “Treasure Maker” sa anila’y mahal na presyo ng tiket.

Trending topic sa Twitter ang “ANG MAHAL,” “LOWER THE PRICE” na pinasimulan ng dismayadong fans para almahan ang presyo ng tiket na ipinagpapalagay nilang pakana ng nabanggit na show operator.

https://twitter.com/iksanpjw/status/1612648702648422401

Ilan sa kanila ang nagpuntong mas mahal pa ang itinakdang presyo para sa show ng TREASURE kumpara sa naglalakihang K-pop groups kagaya ng historic at soldout na “Be The Sun” concert ng SEVENTEEN sa Philippine Arena kamakailan, sa nalalapit na two-day Bulacan leg ng “Born Pink” world tour ng BLACKPINK sa parehong venue sa Marso 2023, at sa nakatakdang “Checkmate” Manila concert din ng ITZY ngayong Enero 14-15.

Basahin: Literal na pagyanig ng PH Arena sa kamakailang concert ng SEVENTEEN, ikinatakot ng fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

https://twitter.com/dearestpjw/status/1612661134821298176

Dagdag ng fans, kalakhan sa kanila ay estudyante pa lang, bagay na sana’y binigyang konsiderasyon sa pagtatakda ng presyo ng show.

Sa pag-uulat, wala pang tugon ang Live Nation Philippines kaugnay sa hinaing ng fans.

Huling napanuod ng Pinoy fans sa bansa ang TREASURE noong Hulyo 2020 nang maging bahagi ito ng "Kpop Masterz" in Manila.